Top 20 Signs You're Watching a Pinoy Movie

Thursday, November 13, 2008

Reposted from Ria Redor. Thanks! :D

A good LOL, guys. Check it. ;)

The Top Twenty Signs That You're Watching A Pinoy Movie

1. Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa 'yung mga ulo nila.

2. 'Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng
kilay at ngingisi.

3. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay
na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain,
at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng
pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at
pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at
sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong
ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit nagdadala ng
malas - nakakamatay.

4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait deretcho
ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng
bala.

6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa
lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahay-kubo ng
manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na
niya 'yung title ng pelikula.

9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga
bata."

10. 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang
naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng
kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya
ng bida. 'Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada.
Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang
niya arms niya covering his face tapos sisigaw 'yung
kapatid ng 'kuyaaa!' ... Next scene nasa ospital na
sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero
umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at
kasunod na ang love scene.

12. Kapag sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano
sa bida, ang sasabihin ng bida: "hayop ka!"

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong
magiging anak ng amo niya sa ending.

14. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na
pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.

15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may
chicks sa pool.

16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang
balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang
sumandal habang nagi-slide dahan-dahan pababa, tapos todo
iyak with matching uhog.

17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng
boss sa kanila, "Mga inutil!"

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida
kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa
kontrabidang anak ng amo niya.

20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa
beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast...
sabay freeze.

Kheeit.
Hiii. Thanks for coming.
I'm Kit. I'm the girl kind of Kit.
I love blue and noodles and stars and barefootedness.
I'm a Bible Baptist. I wear skirts ALL the time and have lots of heels and love J-e-s-u-s.
I'm SEVENTEEN. I can't believe I'm so old.
I'm a Biology major and it is ridiculously awesome.

Tumblr

The page is still under construction, if you could take a guess. Sorry. :]


tagboard


friends
One Two Three Four Five Six Seven

credits
CSS/BGPHOTO